BRKDZ - Samahang Walang Katulad

BRKDZ - Samahang Walang Katulad
(c) 2011 \m/

Tuesday, May 8, 2012

BARKADZ - Samahang Walang Katulad - Est. since CAT Days

A Brief History 

BARKADZ or BRKDZ was a group of special people assembled together for a special purpose. (Avengers lang ang peg. Haha)  But anyways, it's true. We've been sticking around together since our glorious High School days. We've been familiar faces to each other since batchmates lang naman kami sa UNC, but who knew that sooner or later, we'd be forming a certain kind of friendship that would forever change our lives.

Bale, nagsimula kase yan sa Citizenship Advancement Training (CAT) nung kami'y 4th Year High Schoolers na. When you reach your Senior Year sa UNC, you are required to render service to the CAT (as part of the curriculum whatsoever). We had two options: Take part of the Community Service Group wherein gagawin kang parang alila, linis dito-linis doon. May isa akong kaibigan na nag-tip sa'kin nito that's why I chose the other option, to volunteer as a cadet sa Alpha/Delta Unit. This is where the life-changing experience all began.

The Faces of BRKDZ

Here are the very special people that comprises the gang:


Jamie Araño (Jamie) - Direct Officer namin sa CAT. One of the only two girls among the gang. 'Wag kayo dahil adik rin 'to sa Pump It Up. Jamie has been my batchmate since Elementary days. Siya yung taong tamang ingay lang. Approachable at friendly. Dati, madalas din ang tambay ng barkada sa bahay nila dahil malapit lang kina Shashe. Haha. Hindi ka mabo-bore kapag kasama mo 'tong si Jamie, buong magdamag lang kayong maglalaro ng PIU. Etong si Jamie, kapag inaway mo ang mga closest friend niya, handa 'tong makipag-patayan. LOL joke. Haha. Mabait 'tong si Jamie. :))










Philip Reblora (PJ) - Isa rin siyang Officer noon sa CAT. Batchmate at classmate ko pa 'tong si PJ since Elementary din. 


Wacky at somewhat tamang ingay 'pag kasama, yung tipong masayang ingay. Siya ang dancer sa grupo. Noong 4th Year, nag-apply siya for University Honor's Program at nakapasa naman siya kaya't naging mag-classmate kami. Joker-type, nasa lugar ang mga biro nitong gwapo na 'to. Laughtrip kasama. Ano pa nga bang masasabe ko? Paminsan-minsan ay napadalas din ang tambay namin kina PJ sa bahay nila kaya't kilala namin halos ang Family Tree nila, simula sa nanay at tatay niya, mga kapatid at mga pamangkin pa. Movie marathon kami madalas sa kanila, ang ganda ng TV nila eh. Hahahaha. Basta, the best 'tong kasama si PJ :)





Arvin Remigio (Arvs) - Isa rin sa mga officers namin sa Alpha. Seryoso sa unang tingin, not until ma-meet mo na siya.


Sa lahat ng nakasama ko sa barkada, yung araw na nagmeet kami neto ni Arvs ang di ko talaga nakakalimutan. Kinukulit ko pa siya noon tungkol sa CAT at kung anong mangyayari sa'kin pag pumasok ako bilang kadete. Ayun, konting paki-usap lang, napilit agad ako. Haha. Para sa'kin, si Arvs ang pinaka-tahimik sa grupo (despite the fact na lahat naman talaga kami sa grupo ay maingay o madaldal. Hahaha) Simple lang pumorma, pero habulin pa rin ng mga babae. May naalala tuloy ako nung High School kami. Hahaha. Masyadong explicit para i-kwento dito XD Mabait, approachable at mahilig sa pag-kain 'tong si Arvs, 'di nga lang halata. XD






Joshua Balbastre (Junjun) - One word to describe this guy - VAIN. As in. Nung nakilala ko yan noon sa CAT bilang co-cadet ganyan na talaga yan. Picture dito, picture doon. Eh paano, photogenic (daw) at may ibubuga naman. Sabagay, okay lang naman kase binabagayan siya ng pagka-vain nya. Hahaha.


Eto namang si Josh, new face 'to sa UNC kase 3rd year lang siya lumipat galing sa hometown niya sa Daet kaya hindi ko agad nakilala, tapos Tagalog-speaking pa noon, kaya nahihirapan ang kalooban kong kausapin siya. Haha. Pero dahil sa sadyang pala-kaibigan naman 'tong si Josh naging magkaibigan din kami eventually. Talented yan, nahihiya nga lang i-share sa ibang tao. Haha. Makaka-sundo mo siya kapag mahilig ka rin sa mga kanta ni Bruno Mars at kabisado mo ang lyrics ng Marry Your Daughter :))










Wilmar Guevara (Gebbs) - Ahh. Si Gebbs. Yet another officer namin sa CAT. Kaya lang most of the time, kahit nasa formation 'di namin siya masyadong sineseryoso. Laughtrip din kasi 'tong si Wilmarie kaya most of the time, nagtatawanan kami kapag andyan siya. Pero syempre, gaya ng lahat sa'min sa BRKDZ, mabait din siya. Somewhat vain din ng konti (madami ang pics sa CP niya haha) To be honest, konti lang masasabe ko about this guy kase kami yung least na may interaction sa grupo. Ako ata ang pinaka-least 'close' sa kanya. Saaad. Haha :P Pero good friends pa din kami nyan ni Wilmar :)












Sharmaine Gamba (Shashe) - Ang considered na Muse ng BRKDZ. Shyea. Haha. Batchmate and classmate since Pre-school days, nag-join din si Shashe as cadet for the Delta Company ng CAT. 


Noong Elementary, feeling close ako kina She and sa mga bestfriends niyang magpinsan, sina Jenn at Renn. Naging busy nga lang nung High School at nagkaroon ng kanya-kanyang buhay. Buti nalang at nag-reconnect kami nun na ngang 4th Year dahil sa CAT. Bilib ako dito kay Gambs kasi kahit babae siya, nakaka-sabay siya sa trip ng tropa na karamihan ay lalake tapos kadalasan effort pa siyang magpa-gabi, which is hard sa part ng isang babae na may super-protective na parents. Kung hindi naman maka-sabay sa trip namin, gagawa siya ng sarili niyang trip. Hahaha. Kadalasang ginagawang photographer ng grupo dahil sa DigiCam na madalas niyang dala kapag may okasyon o kahit wala lang, jamming lang o tambay. Pero kahit na ganyan, syempre lab pa rin namin yan si Shashe :))







Joshua Ochoa (Josh) - Isa sa mga officer din namin nung CAT. Taga-hawak nung guidon. Haha. 


First Year High School ko pa nakilala si Josh. Kaya lang ibang-iba pa siya noon. 'Di pala-kibo, pili lang ang kinaka-usap. Pero nung na-meet ko ulet siya nung 4th Year na kami, marami nang nag-bago at nag-improve sa kanya. Nag-evolve kung baga XD Pero kahit ganun, siya pa rin ang nice-guy na nakilala ko. Mabait, matulungin, mahilig tumambay at gumala kasama ang barkada.  Basta kilalanin mo siya at hindi ka magsisisi.Yun lang naman. 'Nuff said. :)










Renan Joseph Ortua Jr. (Sir Bitoy) - Kung baga sa Avengers, siya ang founding member. Hahaha. Considered namin siyang Senior Officer sa CAT back then, but most important of all, isang mentor at kaibigan na laging maaasahan.

Yung mga CAT Officers sa BRKDZ, kilala na si sir Bitoy nung 3rd Year HS pa lang sila dahil sa training nila na required for officership. As for us cadets gaya ko, si Junjun, etc, nung nag-CAT lang namin siya nakilala. 

Si sir Bitoy, takbuhan namin yan madalas kapag may problema kami, mapa-lovelife man ang usapan, general knowledge at kung anu-ano pa. Hindi kayo mauubusan ng kwentuhan 'pag kasama mo to si sir. Magaling yan si sir Bitoy magbigay ng advice tungkol sa kung anu-ano. Kuya ng campus ika nga. Sa sobrang approachable niya, pati bahay nila in-approach na rin namin. Oo, sugapa ang tropa noon sa bahay nila. Tulugan after ng JS Prom, tambay kapag walang mapuntahan, lahat-lahat na. Sa lahat ng mga bahay na tinambayan ng BRKDZ, wala nang tatalo kina sir Bitoy na talagang mraming ala-ala - masaya, malungkot, magulo. Lahat-lahat na talaga. Kaya nga gusto ko rin magpasalamat kay sir Bitoy sa napaka-raming bagay na binigay niya para sa BRKDZ. Siya yung unang nag-buklod sa'min noon sa CAT. Madalas kapag may gulo sa barkada, ginagawan niya ng paraan para maayos agad. Pinakain at pinatulog niya na rin kami sa tahanan nila. Ganyan si sir Bitoy bilang kaibigan at para na ring lider ng grupo - parang kuya at tatay na rin namin talaga :))


Vench Vender (Sir Vench) - At dahil blocked niya ako sa kanyang account, walang link sa kanyang FB account niya at tinamad na akong maghanap ng pic niya. Haha :P

Si sir Vench ay considered naming Super-Senior Officer namin sa CAT dahil ilang batch na ang nadaanan nya. Hahaha.

Alam kong somewhat ay may issues pa ang ilan sa amin kay sir Vench. Pero alam ko ring misunderstood lang namin si sir, kung pano siya makitungo sa'min at sa iilan pang bagay-bagay. Kahit ganyan, marami pa rin kaming mga dapat ipagpasalamat para sa mga ginawa at binigay niya sa BRKDZ. 'Di bale sir, kapag kami naman ang may mga kanya-kanyang trabaho kami naman ang mang-lilibre sa'yo :))

HIGH SCHOOL - The Golden Age for BRKDZ


High School will always be the best time we'd ever had for BRKDZ. Despite the fact na iba't-iba kami ng section noon, we make a point to see each other at least everyday, as much as possible. Yung tipong maghahanapan kami sa hallway ng Alba Hall 'pag dismissal time na bandang 3 o'clock. Bandang alas tres nang hapon at diyan na nagsisimula ang kasiyahan. Mag-iisip na ang barkada, "Sain kita ngunyan?", "Sain kita ma-tambay?" - mga ganyang tanong.












Madalas, ang bagsak lang naman ng tropa ay sa loob ng campus - kapag wala talagang mapuntahan, may hinihintay pa o kaya'y tinatamad lang talaga ang majority na gumala sa labas. Haha. Masaya rin naman ang jamming sa campus, madalas nga dito talaga kami nag-iingay. Madalas, dito rin ang tagpuan ng may mga lovelife sa barkada. *Ehem* XD





Kapag inabot naman ng gutom ang BRKDZ, saan pa nga ba kami pupunta kundi sa GOTObest sa may Barlin. Andami rin naming trippings dito. Madalas kami pumupunta dito pagkatapos ng training sa CAT. Dito na magke-kwentuhan ng kanya-kanyang kaganapan sa section nila, buhay lovelife, o kaya problema sa assignments. Dito na kami nagka-catch up sa isa't-isa matapos ang isang mahabang araw bilang buhay Senior.




Ahbry. Etong matindi. Kapag feeling mayaman kami, minsan (at madalas na rin XD) ay Mall-hopping naman ang trip namin. Kung wala kami sa E-Mall ay sa SM City Naga naman napadpad ang tropa. Sugapa kami dito, grabe. Lalo na yung mga huling buwan na lang bago kami grumadweyt. Hinding-hindi kami mauubusan ng mga pwedeng pagka-abalahan sa WOF o World of Fun. 


Kung dati ako, si Toti at si PJ lang ang naglalaro ning Pump It Up, aba ngayon lahat na kami naglalaro. Wala                 lang, trip lang namin (saka minsan dagdag pogi-points kasi kapag marunong kang sumayaw-kuno. Hahaha)

O kaya naman minsan, mang-a albor ang isa dyan ng dalawang token, sabay hulog sa Karaoke machine. Ayun, kantaan to the max nanaman. 












Worth Remembering - BRKDZ here and there

We've been through a lot since High School, andaming ala-ala na masayang balikan at alalanin. Heto ang ilan lang sa mga halimbawa:

JS PROM / SLEEPOVER \m/


Ang official hairstylist ng Barkadz \m/









At kami ay napagod maglakad. Bow.



Kanya-kanyang diskarte matulog. Junjun FTW XD

SHASHE'S BIRTHDAY


Manila Beybe :))



SENIOR'S TOUR 




Ang tatlong Nicole. HAHAHA :D


--------------------------------------------------------

This list could actually go on and on. Gusto ko lang talagang i-share sa ibang tao kung ano na ang napag-samahan ng BRKDZ noon pa mang High School. Masayang balikan yung mga panahong magkaka-sama kami sa mga espesyal na panahon at okasyon. Pero para sa'kin, wala pa rin tatalo sa mga panahong hindi planado pero magkakasama pa rin kami:


May mga konting misunderstanding paminsan-minsan ..


Jogging dito ..


Party doon.








Marami na kaming napuntahan ..



at nasubok na kami ng panahon.




People come and go sa BRKDZ. Sina Toti, Lean, Vergz, Percy, Seva, Austine, Roselle, Yna at marami pang iba. In one way or another, naging parte rin sila ng maganda naming samahan sa BRKDZ. Hindi naman kase kami yung tipo ng grupo na masyadong closed-minded sa grupo lang namin. Natutuwa rin kaming makipag-jamming sa iba naming batchmate at sa iba pa naming bagong kabarkada. Pero iba pa rin talaga ang saya 'pag kaming originals na ang magkakasama.

(Rough Draft/Still Incomplete - Updates Soon)



That's it for now. I'll keep you posted guys! :)

-End of Post-

-\m/-




No comments:

Post a Comment